Friday, 19 August 2011

Why Abortion Is Banned?

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.
Kita ang maliit na kamay ni Samuel Armas
mula sa uterus ng kanyang inang si Julie
Armas. Tila ba pilit na inaabot ang daliri
ni  Dr. Joseph Bruner upang
magpasalamat sa pagbibigay ng
chance na siya ay mabuhay.
Photographed by: Michael Clancy
Matagal na pong umiiral ang debate sa pagitan ng mga pro-life at sa mga babaeng pabor sa abortion dahil na rin sa kung anu-anong dahilan.

Nariyan ang "for medical reason" na tinatawag ding euthanasia o 'yung pagkitil ng buhay ng dahil sa kailangan o dahil kailangang maisalba ang buhay ng isa pa.

Gayunman, higit na mas marami ang nagpapalaglag o nagpapa-abort ng sanggol sa sinapupunan ng dahil lamang sa mga kadahilanang pansarili: tulad ng nahihiya sa mga tao, natatakot malaman ng magulang o ayaw panagutan ng nakabuntis.

Ano pa man ang dahilan, higit sigurong dapat na maunawaan na ang buhay, bagama't fetus pa lamang ay napatunayan nang isang ganap na buhay na tao na.

Hindi natin masasabi na dahil lamang sa 5 months pa lamang ang dinadala ay pwede pang ipalaglag.

Ito po ay napatunayan na sa katauhan ni Samuel Armas, ang fetus na inoperahan ng surgical team ni Dr. Joseph Bruner at Dr. Noel Tulipan.

Ang dalawang doktor na ito ay eksperto sa pagsasaayos ng ilang problema sa fetus sa kalagitnaan ng pagbubuntis.

August 19, 1999, ang fetus ay limang buwan pa lamang sa sinapupunan ng matuklasan   sa pamamagitan ng ultrasound na ito may spina bifida noong ika-14 weeks niya bilang fetus.

Sa ika-21 weeks ng fetus, isinailalim ang ina sa operasyon. Binuksan ang uterus, kasama na rin ang pag-drain sa amniotic fluid at paglabas ng kaunti sa fetus mula sa sinapupunan  upang makapagsagawa ng surgery sa noo'y maliit pang sanggol. Isasaayos muli ang sanggol sa uterus at ibabalik sa sinapupunan ng ina.

Tagumpay ang operasyon.

Ngayon ay malaki na ang bata. Bagaman kinailangang lagyan ng brace ang paa noong ika-apat na taong gulang ay lumaking malusog at bibo ang bata.

Narito ang ilang litrato ni Samuel Armas 10 taon matapos ang operasyon:







Ang Pamilya Armas. Si Samuel Armas ang naka-green sa kanan.

Kaya sa mga nagbabalak magpa-abort ng dahil lamang sa naging bunga ng kamunduhan, please lang po, maawa kayo sa bata.

Inalisan niyo na sila kaagad ng karapatang mabuhay. Lalaki pa sana silang masayahin tulad ni Samuel Armas.



No comments:

Post a Comment