This day, magbibigay lang ako ng kaunting tip para sa mga girls kung paano ba ang tamang pagmama-match ng bag sa katawan at sa kasuotan.
Sino ba naman ang ayaw magmukhang presentable 'di po ba?
Kaya mga girls, simulan nang imbentaryohin ang inyong mga bags collection at subukan ang kaunting tips na ito.
"Colors"
1. Same Color. Gawing magkapareho ang kulay ng bag at ng damit. Sa ganitong style magiging elegante ang pakiramdam. Halimbawa: Yellow Bag + Yellow Dress or Blouse
2. Comparative Color. Huwag matakot subukan ang strong contrasting colors dahil very eye-catching ang ganitong collocation method. Halimbawa: Red Bag + Black Dress or Suit.
2. Neutral Color. Kapag ang suot mo ay neutral color, tulad ng brown, gray, white, silver or black, bagay dito ang ornament colors tulad ng sky blue. Halimbawa: Brown dress + Sky Blue Bag or Sky Blue Dress + Brown Blouse
"Style"
1. Mahalagang tingnan din ang pattern ng bag at ng damit. Halimbawa, ang pattern ng bag ay bulaklakin, maganda rin na bagayan mo ng damit na bulaklakin.
Mas mabuti kung may pagkakahawig ang mga kulay ng bulaklak sa damit at bulaklak sa bag.
2. Tingnan din kung proportion ba ang bag sa outfit mo. Halimbawa, huwag teternuhan ng higanteng hand bag ang sunny dress, otherwise magmumukha kang naglayas.
2. Length ng strap. Kung mas type mo ang shoulder bag kaysa hand bag, isaayos ang haba ng strap na babagay sa hubog ng katawan.
Halimbawa, kung may kalakihan ang balakang, hindi dapat lalampas ang shoulder bag sa waist, para mahatak pataas ang tingin ng mga makakakita sa 'yo.
Kung may katabaan ang bilbil, mas okay kung lagpas waistline ang length ng shoulder bag.
Sa bandang huli, mas mananaig pa rin ang sarili mong panlasa. Pero hindi rin masama ang makinig sa payo ng iba, lalo na sa mga fashion-fanatic person.
Basta bago umalis ng bahay, siguruhing humarap sa salamin at masdan kung bagay ba ang bag sa kasuotan.
Mas mabuting magpalit agad ng damit o bag kaysa mapag-usapan sa tsimisan.
I have been checking out a few of your stories and i can state pretty good stuff. I will definitely bookmark your blog
ReplyDeletesling back bag