Mga ka-webchikahan, ang espasol ang paborito kong kakanin.
Simple lang ang mga sangkap at magaan sa bulsa ang halaga hindi gaanong mahirap gawin. Siyempre, mangangawit ng kaunti ang mga braso mo sa kakahalo pero once na maluto na ay talaga namang napakasarap!Mga Sangkap:
3 tasang giniling na bigas (pulbos) or rice flour
1/2 tasang binusang sweet rice flour
2 tasang asukal
3 tasang gata ng niyog
1 1/2 tasang binusang kinudkod na niyog
1 tsp vanilla essence
Paaraan ng Pagluto:
1. Ilagay sa kawali ang gata ng niyog at pakuluin.
2. Ihalo ang asukal at haluin sa loob ng 10 minuto.
3. Idagdag ang binusang kinudkod na niyog at lutuin sa loob ng 5 minuto.
4. Ihalo ang vanilla essence at binusang rice flour and lutuin sa loob ng 40 minuto hanggang isang oras. Haluin ng haluin hanggang sa kumunat.
5. Hanguin at palamigin sa lalagyan.
7. Budburan ng binusang sweet rice flour ang paghuhulmahan, maaring gumamit ng tray na malinis o dahon ng saging.
8. Hiwain sa sukat na gusto mo at pagulungin sa binudbod na sweet rice flour hanggang sa maging hugis parihabang-bilog.
9. Ilagay sa serving plate at 'yun na!
No comments:
Post a Comment