Monday, 15 August 2011

Tips Para sa mga Ulagang Girls!

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.


Sa dami ng krimen na nangyayari ngayon, maliit man o malaki, makakatulong ang hindi basta lang pag-iingat kundi ang matutuhan na huwag magtiwala kaninoman ng basta-basta.


Mukhang nakakaimbyernang pag-uugali, nakaka-inis pero malay mo sa paraang ito ka pa mas magiging safe sa mga masasamang loob at diskarte.


Tulad na lang ng masaker. Kaliwa't-kanan ang napapanood ko na namamasaker. Habang natutulog, pinagtataga.


Makakatulong siguro ang mga simpleng habits para makaiwas dito, tulad ng:

  • Siguruhing naka-lock ang pinto bago matulog. I-check ang lock ng gate kung nakakandado (kung meron man kayong gate). Ang pinto sa sala, ang back door kung meron man... lahat ng ito i-check tuwing gabi. Huwag tatamad-tamad na dahil sa antok e magpapabaya na.
    Malaking porsyento ng krimen ang naisasakatuparan dahil lamang sa mga naiwang hindi naka-lock na pinto.
  • Kung naka-lock na ang gate at sa tingin mo e safe ka na, mas makabubuting doblehin ang lock. Hangga't maaari ay ikadena ang gate para hindi madaling mabuksan.
  • Kung salamin ang bintana, palagyan ng grills o ng bakal na pansanggalang para hindi agad mapasok. Sa mga bintana mas madalas na pumasok ang mga akyat-bahay gang. Kadalasan, iniiwang bukas ang bintana dahil maalinsangan ang panahon kung minsan, mas mabuting magtiis ng init kesa mamasaker. Kung may "K" ka rin lang naman, magpakabit ng air con dahil mas mabuti pang gumastos ng mas malaki sa kuryente kaysa wala ka nang chance na gumastos dahil patay ka na.
  • Kung may computer shop ka sa bahay, aba e gawan mo naman ng pabor ang sarili mo... huwag na huwag ka nang tatanggap ng customer pag madaling-araw na. Ang mga adik-adik na kabataan, sila yung karaniwang bumibikta sa mga may-ari ng computer shop lalo na kung bukas ito hanggang madaling-araw. Nakatulog ka na ng maaga, di ka pa nanakawan at naperhuwisyo. 
 Kung ikaw naman ay babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada o sa mall at feeling mo e ikaw ang bida sa Shopaholic, e tingnan mo rin ang mga points na 'to:
  • Kung maglalakad ka ng may shoulder bag sa kalsada, aba e dapat atentibo ka. Huwag parang tulala na animo ulaga. Isang kasamahan ko sa trabaho dati ang kakagaling lang sa ATM at kasalukuyang naglalakad pabalik sa trabaho ng biglang hablutin ng riding in tandem ang bag niya sa karamihan ng tao. 
  • Sa loob naman ng mall, huwag tatanga-tanga na tulad ng iba na matapos hugutin ang wallet sa bag para magbayad sa cashier ay nakakalimutan nang isara ang bag. Ang tamang paghawak ng nakasukbit shoulder bag ay nakapuwesto malapit sa tiyan ang bag habang hawak ng isang kamay. 

Para naman sa mga nagogoyo ng mga mahuhusay manloko tulad ng ativan o budol-budol gang, heto ang tips:

  • Pag may lumapit sa 'yo na 'di mo naman talaga kilala at nag-aalok ng kung ano, halimbawa: Nag-aalok na hawakan mo sandali ang dala niyang bugkos-bugkos na pera dahil may kukunin lang saglit at hihiram kunwari sa 'yo ng 500 e talasan mo ang pagka-dudera mo. Huwag, as in huwag na huwag magtiwala sa hindi mo kilala kahit kamukha pa ni Aga Mulach.
  • Pag may lumapit sa 'yo halimbawa na sinabing inutusan siya ng nanay mo na kunin ang celphone mo sandali at kung magsalita e super katiwa-tiwala na animo alam ang pasikot-sikot sa buhay mo ay please... sabihin mo "I'm sorry, 'di kita kilala e."

Maraming krimen kasi ang nakakalusot dahil sa pagtitiwala, simpleng pagpapabaya at kaunting katangahan. May mga krimen din namang nangyayari dahil nasa kanila ang lahat ng pagkakataon at wala ka nang magagawa, pero sa kaunting pag-iingat ay may pakinabang.

*Ulaga - salitang nagmula kay Emman E.

No comments:

Post a Comment