Monday, 8 August 2011

Maganda ba ang GE X5 at GE X500 Bridge Camera?

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.


Maganda, maganda, magandang umaga mga ka-webchokaran!

Ayan, as usual, Bruce Wayne po, ang inyong lingkod, umaga man o gabi ay patuloy na magsusulat ng samu't-saring kwento para magbigay ng kaunting impormasyon at kasiyahan.

Kung di niyo naitatanong mga kaibigan, isa rin ako sa bumili ng GE X5 noong nakaraang taon. Bagung-bago pa lang sa pandinig natin ang bridge camera, or at least sa akin. Subalit marami na rin akong nakita na bumili at hanggang ngayon ay patuloy na gumagamit nito.

Marami po ang nagtatanong sa inyong lingkod kung talagang maganda ba ang camerang ito.

Well, ang sagot po diyan, depende.

Hehe, sigurado sa mga sasabihin ko, marami sa mga X5 at X500 users ang magre-react.

Sige po, punto por punto ang gawin nating usapan diyan.

Una, ano ba ang bridge cam? 

Sa layman's term, iyan ang klase ng digital camera na nasa pagitan ng Point and Shoot Camera at ng DSLR camera. Kaya nga tinawag siyang bridge cam para mapunan ang gap sa pagitan ng dalawang ito.

Kung nasa pagitan ito P&S camera at DSLR, ano ang meron dito na wala sa dalawa?


Gawin po nating example ang GE X5 at GE X500 dahil mayroon ako nito at dito nagsimula ang inyong lingkod na mag-aral tungkol ng photography.
  • 14 Megapixel 
    • Mas malaki ang resolution nito kumpara sa mga ordinaryong P&S.
  • 14X optical zoom
    • Ang optical zoom ay iba sa digital zoom, sa optical zoom maaring mag-zoom ang lens ng hindi na kailangan pang magpalit ng lens tulad ng sa DSLR.
  • Small but not so compact design
    • Kung ikukumpara sa DSLR, medyo mas maliit ang GE X5, pero mas malaki ito kay sa ordinaryong P & S.

Ano naman ang wala sa GE X5/X500 na wala sa DSLR?


Dito marami ang nagkakamali. Kumbaga, nagoyo... ng mga salesman. LOL! Hindi po, ang pangit naman ng term na ginamit ko.

Sa totoo lang, noong binili ko ang GE X5 ko, wala akong kaalam-alam sa photography. Ni hindi nga alam ng inyong lingkod ang basics. As in Zero.

So nung binili ko siya sa Cabanatuan isang kilalang Mall doon, mahusay at talaga namang kaengga-engganyo kung mag-sales talk ang salesman.

"Maganda ba 'to?" tanong ko sa kanya.

"Opo, maganda 'to. 14 MP at 14X optical zoom." Sagot niya.

Siyempre, matanong ako noon. E sa wala nga akong alam sa photography e. "Anong MP, anong optical zoom?"

"Ah, ganito po 'yan." sabay demo ng x5 sa 'kin.

Doon ipinakita sa akin ang lahat ng magaganda features nito. May Video recording, free 2GB memory card, free charger, may 2.75 LCD screen (hindi po touchscreen), ang tindi ng optical zoom (ang example niya ay ang saleslady na may 100 meters ang layo sa 'min).

Sabi pa ng salesman, "Parang DSLR po yan dahil DSLR sensor!"

Samakatuwid, bili po agad ang inyong lingkod.

Excited siyempre, kuha dito, kuha doon. Flash on, flash off. Aral dito, aral doon. Join sa forum doon, join sa forum dito.

Sabak agad sa mga photowalk, photoshoot. Later on, doon ko unti-unting natuklasan na ang bridge cam ay para sa mga entry level photographer.

Nagsimula na pong matuklasan ng inyong lingkod ang mga bagay na dapat sana ay mayroon din ang bridge cam particular ang X5. Tulad ng mga halimbawang ito:

  • Interchangeable Lens 
    • Hindi pwedeng palitan ang lens ng X5/X500 tulad ng DSLR. Wala nang magagawa kundi make the most of it. Di ko naman sinasabing mas maganda ang may ganitong option pero mas maraming possibilities pag mas maraming option 'di ba?
  • Bigger Strap
    • 'Di masyadong isyu ito, pero siyempre, mas bigger strap na may logo ng X5, mas proud, at hindi masyadong masakit sa leeg.
  • Manual Focus
    • How many times pong dismayado ang inyong lingkod ng matuklasan ko na wala ito. Pero ganun pa man, sabi nga, make the most of it na lang. Autofocus isn't bad at all pero iba pa rin ang may manual.
  • External Flash
    • Para sa akin, hindi enough ang built-in flash ng X5/X500 lalo na pag madilim ang ambience at may kalayuan ang subject from the camera.
Pero in fairness mga ka-webchokaran, hindi naman po kayo lugi kung sakaling bumili kayo nito o nagbabalak pa lang. Napakamura at very competitive ang price ng GE X5 o GE X500 kumpara sa standard point and shoot camera. 

Kaya lang, para sa patas na pamamahayag, hindi ko masasagot ang tanong kung maganda ba ang GE X5 at GE X500 bridge camera. 

Inilatag ko na sa harap niyo ang mga specifications. Kayo lang po ang makakapag-decide kung maganda nga ba ang camerang ito.



1 comment: