Wednesday, 10 August 2011

Nora Aunor vs Vilma Santos Reloaded!

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.
Nakabalik na nga po sa Pilipinas si Nora Aunor. Para po sa mga kabataan na hindi inabot ang kasikatan ni Nora noong dekada di-makwenta, este, dekada nubenta, siya ay mas kilala sa tawag na "ate Guy."

Di po siya lalake kahit "Guy" ang palayaw, ewan ko nga ba. :)

Honestly po, hindi ako fan nito ate Guy kaya lang hindi pa rin maiiwasan na maging nostalgic pag may nababalitaan tayo tungkol sa kanya tulad na nga lang ng pagdating niya mula sa America.

Kahit nga noong nasa malayo na siya, di pa rin lingid sa atin ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa US of A.

Nandiyang na-link sa drug abuse, kesyo nagpaopera ng lalamunan at hindi na makakanta o kung ano pa man, sa kabila ng mga ito pasalamat na rin ako at nakabalik siya ng Pinas.

Sa pagbalik niya ng Pinas, marami ang gustong sumakay sa isyu. Nariyan ang higanteng GMA7 na tila ba ginagamit yata ang popularidad ni ate Guy para umangat ang rating nila.

Hmmm, 'wag na nga kumibo at baka mademanda. :)

Kapag nababanggit ang pangalang Nora Aunor, hindi rin maiwasang masabit ang mas kabigha-bighaning si Gov. Vilma Santos. Haha, pasensiya na po, prangka lang talaga.

Ang walang katapusang rivalry sa pagitan ni ate Guy at ate Vi, heto't binubuhay na naman?
Di ko alam kung ang mga fans ba ang may pakana nito o 'yung mga nasa likod ng mga TV Stations. Siyempre, mas pinag-uusapan, mas pagkakakitaan. Tama po?

 
Pati mga nagsipagretiro ng fans na kung tawagin noon ay "Noranians" at "Vilmanians" ay tila ba binubuhay rin?

Parang comelec lang ah? Di ba ganon sa Comelec pag araw ng botohan, pati patay nabubuhay? 

Anyway, saludo naman po ako kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto dahil sa TV interview, kitang-kita ang bakas ng tuwa ng i-welcome back niya si Nora Aunor.

Sabi nga niya sa interview, “Hinihintay ka ng industriya ng pelikula!”

(Mmmm, yeah, I think pwede pa. Start ka uli ate Guy sa mga teleserye.)

 

No comments:

Post a Comment