Saturday, 6 August 2011

US and Philippines vs China

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.


Sad to say po mga kaibigan, niliwanag na po ng US press attache Rebecca Thompson na ang america ay hindi makikialam sa kanino mang panig kapag sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang China ng dahil sa pinag-aawayang "Spratley Islands."

 Pero ganun pa man, ayon kay U.S. Navy Admiral Mike Mullen, hindi lilisanin ng carrier battle group ang lugar ng Spratley Island dahil ang presensiya nila ay mahalaga para sa kanilang mga kaalyado, kabilang na nga rito ang Pilipinas.

Kaya kung sumiklab man ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at China, baka sakali, "baka lang po" na magamit pa rin natin ang Mutual Defense Treaty na nilagdaan sa pagitan ng ating bansa at ng US 60-taon na ang nakakaraan.

Dapat siguro, i-review ng MalacaƱang ang MDT kung anu-ano ba ang mga senaryo na maaring mag-invoke ng tulong ng amerika sa oras na gyerahin tayo ng China. Nitong nakalipas na araw pa lang, ilang Chinese Press ang nagpahayag ng pagbabanta na nagsasabing "The Philippines will pay a high price" dahil sa minamaliit natin ang issue tungkol sa pag-angkin ng China sa Spratley Island.

Di malayo na mangyari nga ang iniiwasan nating gyera dahil sa nakikitang pag-angat ng ekonomiya at Military Forces ng China. Di na rin magtatagal at ilulunsad na nila ang kauna-unahang Chinese Aircraft Carrier na magiging simbolo ng paglakas ng Navy nila.

Bagaman ang aircraft carrier na ipinagmamalaki nila ay binuo mula sa scrap o lumang aircraft carrier ng russia, sa oras na maging operational ito, maari na nilang gamitin ito laban sa atin. Ayon pa po sa mga balitang nasagap ng inyong lingkod, pinaplano nilang gumawa ng hindi bababa sa 3 aircraft carrier para umano maprotektahan nila ang kanilang interes.

Kung hindi talaga maiiwasan ang gyera, ang mabuti pa sigurong gawin ng ating gobyerno e palakasin na lang ang ating sandatahang lakas para kahit paano'y masabi na ipinagtatanggol natin ang ating bansa at malay mo, makuha natin ang atensyon ng buong mundo at karamihan sa ibang bansa ay pumanig sa atin laban sa pambubully ng China.

Kundangan kasi, talamak ang corruption sa ating gobyerno kaya sa halip na sa bansa napupunta ang buwis na ibinabayad natin e sa mga bulsa ng mga walanghiya napupunta. Mga bwisit oo. Kaya kay PNoy, ayos yang sinimulan mo na "Daang Matuwid," sana tuloy mo lang para naman hindi tayo inaapi-api ng ibang bansa.

No comments:

Post a Comment