Sunday, 7 August 2011
Dragon Ball este Dragon Boat, wagi!
Good, good, good morning po mga ka-Webchokaran. Magandang morning po mula dito sa kinauupuan ko.
Wagi ang ating mga sagwanero na mas kilala sa tawag na Cobra Philippine Dragon Boat Federation team sa 10th International Dragon Boat Federation World Championships na ginanap sa Tampa, Florida.
Ayan, may apat (4) na medalyang ginto ang nasungkit ng ating koponan na ang pinakahuli nga ay mula sa 500 meters mixed event.
Talagang nilamog po sila ng Dragon Boat na may pinakamabilis na minuto, 5:02.59, na sinundan ng mga katunggali na gaya ng Hungary (05:06.10), Puerto Rico, Trinidad and Tobago at ang Hungary sa finals.
Sa All Comers 500-m race, pumangalawa lang po ang ating koponan sa number 1 na Germany na nagtala ng 02:36.008, samantalang 02:38.072 lang po ang sa pinoy at pinangatluhan naman ng Macau team na may 02:41.756.
Sa madali't-sabi, nakikita natin ang bangis ng mga Pinoy sa iba't-ibang larangan tulad ng sa ganitong sports. Hindi lamang sa mahuhusay na pagseserbisyo bilang mga OFW sa ibang bansa kundi nakikilala rin tayo sa mga paligsahan.
Okay di ba? Di lang pang Pilipinas, pang international pa. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment