Sunday, 2 October 2011

Gary ng Alamid Band, Tagaharana na lang Ngayon?

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.
Alamid Band, founded in 1993. Gary (at center) left the group after 17 years.


Na-curios lang ako doon sa nabasa ko sa Abante tabloid. Isang blind item issue tungkol sa dating vocalist ng sikat na banda noon na iniwan ang kanyang grupo dahil hindi na niya ito makasundo.


Narito po ang partial write-up mula sa Abante column:



Nagulat ang a­ming source nang makita niya ang dating lead vocalist ng isang sikat na banda noon na ang trabaho ay nanghaharana sa mga customers ng pinagtatrabahuhan niyang online na kumpanya.
Ang naturang online company na ito ay nag-i-specialize sa pagharana sa mga subscri­bers nila. Parang updated at mo­dernized na pagpapadala ng singing telegram para sa mga magkarelasyon. (http://abante.com.ph/issue/oct0311/ent_others01.htm)




Matapos ko pong mabasa ito ay pinagtiyagaan ko na hanapin kung sino kaya ang tinutukoy dito? At ang pinakamalapit na pwede kong ikumpara dito ay ang vocalist ng Alamid band na si Gary.


Una, dahil sinasabi diyan na kaya siya umalis ay hindi na nito makasundo ang kanyang mga bandmates. Ikalawa ay ang isyu na tumaba na siya.


Ayon sa Abante, "Tumaba nga ang dating bokalista na ito na malayo sa maganda at maayos na hitsura niya noong kasikatan ng kanilang banda. "


At sabi pa, "Huli naming nabalitaan na kaya ito umalis ng banda ay dahil hindi nito makasundo ang kanyang bandmates. Umabot pa nga raw sa muntik silang magsuntukan sa isang recording session nila dahil hindi sila magkasundo sa mga song materials na gagamitin nila."


Dahil sa kakulitan ng inyong lingkod, tiyempo namang nadaanan ko ang isang article galing sa Manila Bulletin na may write up naman tungkol sa Alamid Band.


Heto po ang ilang linya mula sa artikulo:



MANILA, Philippines -- The comeback move of premier ’90s band act Alamid is interesting not only because they have a new vocalist. More intriguing is the fact that they don’t have good words to say about their former lead singer Gary Ignacio.
The original voice behind the now-classics “Your Love” and “Sama-Sama” was somewhat kicked out of the band because, according to current Alamid producer Leah Bool, “the guy is already more of a liability than an asset as his relationship with the other members is no longer healthy.” (http://www.mb.com.ph/node/324264/comebacking-band-lamba)
So, sa blind item ng Abante, pasok sa kategorya ang grupo ng Alamid Band at ang vocalist nito na sinasabing iniwan na ang grupo dahil sa hindi na sila magkasundo.
At heto pa ang isa, mula sa Manila Bulletin din:


“Sinabihan ko siya na ang laki na ng tiyan niya and sana he does something to it para mas okay kami tingnan sa stage. Sinagot lang niya ako na ‘bigay na ng Diyos ‘yan kaya wag na natin pakialaman.’”


Pasok din po si Gary sa kategorya ng vocalist na tumaba na at malayo na sa kanyang dating hitsura ng panahon ng kasikatan ng Alamid.


Lilinawin ko lang po, hindi ko sinasabing si Gary ng Alamid ang tinutukoy sa blind item. Pero dahil curious lang po ang inyong lingkod, hindi po maiwasang hindi mag-self research. Base diyan sa mga write ups, tumutugma sa kanya ang mga isinulat ng kolumnistang si Ruel Mendoza ng pahayagang Abante.


Kuya Ruel, paki-email mo na lang ako kung siya nga 'yan. :-)

No comments:

Post a Comment