Hari-Digma |
Alam na naman natin na higit na mas marami kung ihahambing sa bilang ang military personnel ng China kumpara sa atin.
Subalit sa tingin ko po ay hindi naman din tayo paagrabyado ng basta-basta na lang.
Sa pagsisiyasat ko po, mayroon din pala tayong produksyon ng sarili nating gamit pandigma. Katulad ng Armored Escort Vehicle na pwedeng maglaman ng mga armed personnel sa loob.
Ang larawan ng Armored Personnel Carrier (APC) ay disenyo ng SteelCraft Industries na minsan nang nakipagkumpetensiya ng magdaos ang AFP ng Search For New Wheeled APC na pinagwagian ng Simba APC.
Opisyal nang itinigil na ng SteelCraft Industries ang produksyon ng Hari-Digma pero ang disenyo nito ang pinagbasehan sa pagbuo ng mas mahusay na MX-1 Kalakian.
No comments:
Post a Comment