Kadalasan ay natural na sa mga kababaihan ang magsuot ng hikaw. Mayroong tunay at mayroon din namang nagsusuot ng peke.
Kung minsan hindi na pinipili ang okasyon o lugar at di alintana kung mayroon bang mag-iinteres sa hikaw na suot o wala.
Tandaan po natin, ang mga snatcher, walang pinipiling bibiktimahin. Parang Dengue, lahat tatamaan, mayaman o mahirap.
Katulad na lang ng nangyari kay Ellen Tordesillas, isang kolumnista ng pahayagang Abante.
Naglalakad sa may Taft Avenue papuntang bus stop malapit sa Rizal Park ng biglang may humawak ng malakas sa dalawang tenga niya.
Inakala niyang may pumingot lang sa kanya pero ramdam niya ang malakas na pagkahablot sa dalawa niyang hikaw.
Wala rin naman siyang magagawa nang mga oras na 'yon. Babaeng nasa edad 30 ang humablot ng hikaw. Dali-daling tumakbo papalayo.
Di naman niya pwedeng habulin at baka may mga kasama.
Buti nga kamo at hindi peke ang hikaw niya kasi ang ibang snatcher, pag nalamang peke ang hikaw mo e baka balikan ka pa at ipakain 'yun sa iyo.
E paano kaya kung dangling pa ang hikaw mo, sigurado tigpas yang tenga mo.
Ang mabuti pa huwag ka na lang maghikaw, lalo na kung wala ka rin namang sariling sasakyan at magko-commute ka lang.
Kahit sa katirikan ng araw at kahit may pulis na nasa lansangan, di pa rin nila pinangingilagan.
Alam niyo naman po ngayon, maraming kumakalam ang sikmura. Pero instead na pumarehas ay nanglalamang na lang ng kapuwa.
Masakit ang mawalan ng anomang bagay lalo na kung mahalaga pero mas masakit ang mapingasan ng tenga ng dahil sa kaignorantehan sa nangyayari sa kapaligiran.
Kung kaya po nating huwag nang maghikaw, mas maganda po di ba?
Hindi na po baleng mabawasan ng kaunti ang kagandahan basta huwag lang po nating bigyan ng daan ang mga snatcher na makapambiktima pa ng kababaihan.
No comments:
Post a Comment