Monday, 8 August 2011

Ang Boycott Laban sa GMA7 at Kay Arnold Clavio

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.


Magandang gabi po mga ka-webchokaran. Ayan, gabi na po dito sa kinalulugaran ko. Siyempre pa, kahit gabi na, kayod pa rin po ang inyong likod para patuloy kayong mahatiran ng samu't-saring kaganapan.

Ano nga ba topic? Oo nga pala, ito yung nagtataka ang marami kung bakit may mga sigaw na i-boycott ang GMA 7.

Di ba channel 7 'yun? Opo yun nga!

E bakit daw dapat i-boycott?

Kasi raw, hindi naging patas sa pagde-deliver ng balita.

Ayun naman pala.

E kung ganyan nga, hano po, dapat nga sigurong i-boycott. Pero ano nga ba talaga ang pinag-ugatan ng issue at nagkaroon ng ganyang malawakang krusada?

Kung matatandaan po, taong 2009, ang congregation of the Members of Church of God, International (MCGI), o yung mas kilala po sa tawag na Ang Dating Daan (ADD) ay pormal na nagpahayag ng pagbo-boycott sa GMA 7.

Mangyari po kasi mga kaibigan, sa isang serye ng Case Unclosed na pinagbibidahan ni Arnold Clavio na ipinalabas noong June 18, 2009, ipinalabas po roon ang kaso na isinampa ni Daniel Verdiano alias "Puto" laban kay Bro. Eli Soriano.

Base sa nasagap kong balita, itong si Puto ay itiniwalag ng ADD dahil siya ay napatunayang gumahasa sa labing-apat (14) na kalalakihan na kanyang kasama sa tungkulin at maliban doon ay napatunayan ding nagwaldas ng pondo ng samahan para sa kanyang sariling kapakinabangan.

Sa isang episode ng Case Unclosed ni Arnold Clavio ay mismong si Verdiano (Puto) ang ginawang resource person.

Teka, parang one-sided story yata kung gano'n?

Doon ay ni walang katinag-tinag at tahasang siniraan ni Puto ang lider ng ADD.

Sa record ng korte, ang insidenteng ibinibintang ni Verdiano, pati ang kanyang mga ebidensiyang isinumite sa korte ay dinismissed noong January 26, 2006 ni Alexando Lopez, na siya namang assistant Provincial Prosecutor sa Region III, San Fernando Pampanga na inaprubahan naman ni Jesus Y. Manarang, ang provincial prosecutor.

Ayon po kay Bro. Eli Soriano, "There was no sense of justice and equity in the Case Unclosed of Arnold Clavio over GMA7. In the first place, the "Invented Rape case" against me is still in the courts.

Makalipas kasi ang ilang buwan, ito pong si Raul Gonzales na noo'y Secretary of Justice, ay ipinag-utos noong March 21, 2006 kay Regional State Prosecutor Jesus Simbulan na iangat ang kaso sa kanyang opisina, doon nga po sa Department of Justice.

Ito po ay mariing kinokondena ng Ang Dating Daan na isang malaking iregularidad para sa isang Secretary of Justice na tila ba naging pansariling personal na yata ang pamamahala sa DOJ.

"There was an email to me why we do not answer the broadcast of GMA. There is a principle of sub judice. Under our laws, I cannot answer because I will be cited for contempt of court. That case has just started. It should not be part of the program, Case Unclosed," ayon kay Ginoong Soriano. "If a case is already in the court, you cannot speak on the merits of it. The would be under the principle of sub judice. However, not talking about it does not mean that we are not responding at all," dugtong pa niya.

Oo nga naman mga kaibigan, may tama po si Ginoong Soriano dito. Kung ako nga ang tatanungin e hindi komo nananahimik ang isang tao ay guilty na.

Ang hindi maganda ay tila ba ginawa pang "Queen of the Night" este star of the moment ni Arnold clavio itong si Veridiano Puto nang i-ere na kasama sa wanted list of the Interpol si Bro. Eli na hiniling umano ng Macabebe, Pampanga Court.

Si Veridiano ay tila ba naging bida sa teleserye, at ang mga maiimpluwensyang ahensya tulad ng Courts of Pampanga, DOJ at GMA7 ay ang mga naging katuwang upang madiin si Soriano.

Para naman po sa ADD, ang Iglesia Ni Cristo (INC) ang siyang nasa likod nito upang tuluyan nang masira ang kredibilidad ni Soriano na ayon sa aking mga bubwit ay matagal na nilang inaasam.

Di naman kasi lingid sa karamihan kung ilang beses nang hinamon ni Soriano ang lider ng INC na humarap sa isang debate na mapapanood sa telebisyon ng live. Katunayan, nai-publish ito sa Manila Times noong March 27, 2005.


Sa kadahilanang ang INC ay nagpapatupad ng bloc voting o mas kilala sa "command votes" kung saan ang bawat miyembro ng Iglesia Ni Cristo ay aalisan ng karapatang iboto ang "sariling" kandidato at iboboto lamang kung sino ang iniutos ng kapatiran na iboto, maraming pulitiko ang nahuhumaling dito. Kaya nga siguro walang sinomang politician ang magtatangkang hindi pagbigyan ang anomang pabor na hihilingin ng INC.

Sa pahayag ni Ginoong Soriano, "There is no case filed by the Church of Manalo in which I was convicted, our enemies accuse us of the evil deeds they are doing, and wanting to cover up the evil works of their group, they impute their crimes on us."

"This is a clear harrasment and religious persecution. I can fully defend myself if the Internaltional Court of Justice will allow me." dagdag pa niya.


Ayan po mga ka-webchokaran. Malinaw na hindi nga naging patas si Arnold Clavio sa kanyang programang Case Unclosed noon.

Di ba dapat balanse ang istorya?

Sa aking pananaw po naging bias nga siya dito.
Kung isa lang po kasi ang pakikinggan, lalabas na one-sided ang story.

Walang protagonist, puro antagonist.

Kumbaga sa Mara Clara, puro Clara lang at walang Mara.

1 comment:

  1. nice post i'll share this post into my blogpost ha,galing ng mga data mo.you can share your ideas also at my http://myjourney-of-faith.blogspot.com

    ReplyDelete