[Amo] “Kung ‘di kayo makakasunod, maluwang ang pinto. Pasalamat nga kayo at may trabaho kayo. Kung gusto niyo mag-basurero kayo sa Jollibee.”
Naalala ko lang po. Knock, knock! Ang tamaan huwag magagalit; ang pikon ay laging pangit.
Ang sa akin lang, bilang propesyunal, hindi na siguro pa dapat sinasabi ‘yan. Panahon pa ng mga prayle yan. Baka nga matalbugan pa si Padre Damaso sa acting.
Di naman sana tayo TNT sa Amerika at naninilbihan sa mga pinoy na nagsasamantala sa pagiging TNT mo. “Pag di kayo sumunod, papahuli ko kayo sa immigration!”
[Tauhan] “Akala mo kung sinong magsalita. E bakit naman ako magbabasura sa Jollibee? Kaya nga ako nag-aral e. G*%# pala siya!”
Ang hirap din naman sa tauhan, matapang lang pag ‘di kaharap ang amo?
Kaliwa’t-kanang bulungan at usap-usapan na tila ba magkakaroon ng pag-aaklas? Pero nungka, kahit anong bigat ng mga pasaring ng amo at kung ano pa mang trabaho ang idagdag kahit na walang dagdag sa sahod, tatanggapin mo pa rin naman.
Bakit? E kasi mahirap ang buhay. Hindi pa panahon para sumagot at mag-resign. Maraming magugutom. Tama po ‘di ba?
[Supervisor] Guys Listen!
Baka nakakalimutan niyo po, hindi lang lalaki ang empleyado niyo. May babae rin po no?
[Tauhan] Magreresign na talaga ako. Ang baba ng sahod. Hindi naman talaga ito ang gusto kong trabaho, sayang ang natapos ko.
Ows, magreresign? Kung minsan sinasabi lang natin sa ating sarili ‘yan para ma-boost ang ego natin.
Naiintindihan kita iho, kesa masira ang ulo mo sa kakaisip e utuin mo sarili mo di ba?
Ganun naman tayo e, sa halip na maging thankful dahil kahit paano tinanggap tayo ng kumpanya, nagrereklamo pa. Sa bandang huli parang kasalanan pa ng nila kung bakit pumayag tayo sa sweldong inoffer sa atin.
Kaya nga bilib ako kay friend na mahilig magcollect ng mamahaling toys at may-ari ng gagamba na nasa Lord of the Ring, siya ang unang nagresign ng dahil sa palabra de honor.
[Amo] Guys! Pasensyahan tayo ha? Pag may nahuli ako sa inyong ganito at ganyan.
Come on. Memo is enough. Just read the memo. Di na kailangang magpasensiya. Di naman tayo naging tunay na magkaibigan para humingi ng pasensya.
Bilang propesyunal, alam na nila ‘yun. Kung di nila maabot yung pamantayan, bilang propesyonal tatanggapin nila kung ano man ang maging kahihinatnan.
Kaya nasisira ang self-esteem ng mga empleyado dahil sa mga ganyan.
Once again, hindi lahat ng empleyado ay lalaki.
[Tauhan] Yes sir! Yes ma’am! (Pagtalikod ng amo: Nakaismid)
Ang mga tauhan din naman ganun din. Hindi na gusto ang ugali ng amo, siya rin naman e nagpapakita rin ng hindi tama.
Nandiyang mag-dirty finger pagtalikod ng amo, kung minsan inaambaan pa ng batok.
Parang naglolokohan na lang. Kunwari ayos pag magkaharap, pag natalikod iba na.
Anyway, napapansin lang po. Sabi nga nila, kung ano ‘yung ayaw mong gawin sa ‘yo ay huwag mo rin namang gawin sa kapwa mo.
No comments:
Post a Comment