Photographer: Eger Deang |
Naalala ko pa ng kabataan ko, na halos maubos ang oras namin sa panghuhuli ng tutubi sa mga bukirin. Naging bahagi na ng ating kabataan ang paghanga at paghabol sa kahanga-hangang insektong ito.
Lingid sa kaalaman natin, ang mga delicate na insektong ito ay malaki ang naitutulong sa atin upang makontrol ang mga insektong nagdadala ng mga sakit tulad ng lamok.
Opo, mga kaibigan, kinakain din nila ang mga lamok kabilang na ang mga lamok na nagtataglay ng nakakatakot na dengue.
Bagaman ilang bahagi lang ng populasyon ng mga lamok ang nakakakain nila, mahalaga pa rin ang partisipasyon nila sa biological equilibrium.
Hindi man sila ang sagot sa tuluyang pagkaubos ng mga lamok ay malaki ang naitutulong nila sa pagbawas ng populasyon nito.
Kaya sa tanong na kung ang tutubi ba ay kalaban o kakampi natin? Alam na po siguro natin ang kasagutan.
No comments:
Post a Comment