Sa harap ng mga Mexicans, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba o hindi ng ihayag ni pinoy ring icon Manny Pacquiao na tatakbo siya sa pagka-presidente sa 2016.
Nito po kasing huling interview sa kanya, tila ba kinabig niya ang nauna na niyang binitiwang pahayag.
Kung totoo man sa kanya ang sinabi niya sa mga mehikano, tila yata hindi naisip ni Manny na may mali sa sinabi niya. Tila kasi lalabas na wala talaga siyang alam sa batas o mahihina ang kukote ng mga advisers na nakapalibot sa kanya.
Ayon po kasi sa Article 7, Section 2 ng Philippine Constitution, maaari lang tumakbo sa pagkapresidente ang isang Filipino kung hindi siya bababa sa 40 taong gulang. Sa 2016, si Manny Pacquaio ay 37 years old pa lang. Ibig sabihin, hindi siya qualified.
Kung tutuusin po, bagaman high school drop out si Pacquiao, maari po siyang tumakbo sa pagka-pangulo dahil ang hinihingi lang ng Konstitusyon ay dapat marunong siyang bumasa at sumulat, pinanganak na Filipino at naninirahan sa Pilipinas 10 taon bago ang eleksyon.
Kaya lang, kahit gustuhin man niya, hindi pa maari. He needs to wait.
Para sa mga taong walang tiwala sa kakayahan ni Pacquiao na pamunuan ang Pilipinas bilang presidente, makakahinga po kayo ng maluwag dahil eligible lang siya sa taong 2019 o 2020.
Sabi nga ng kaibigan ko, "Mahilig palang tumakbo si Pacquiao, bakit hindi na lang siya sumali sa takbuhan? "
Tama nga naman, baka may talent din siya dun. Sa 100-meter dash kaya, pwede?
No comments:
Post a Comment