Thursday 11 August 2011

Magkasuyo Buong Gabi

www.tips-fb.com Share this article on Facebook.
Hanggang kailan mo kaya tatabihan ang asawa mo?

Paano kung patay na siya, aakapin mo pa rin ba siya?

Alam niyo po mga ka-webchokaran, na may isang lalaki sa Vietnam na sa loob halos ng limang (5) taon ay tinatabihan sa pagtulog ang bangkay ng asawa?

Si Le Van, isang Vietnamese, ay namatayan ng asawa noong 2003. Sa sobrang pagka-miss niya sa asawa niya, doon siya natutulog mismo sa tabi ng puntod ng asawa niya sa loob ng sementeryo araw-araw. (Kakatakot naman)

Makalipas ang isang taon, hindi pa siya nakuntento, humukay pa ng tunnel sa tabi ng nitso para lang makatabi ang asawa sa pagtulog.

Nakatawag ng pansin ito sa kanyang mga kapitbahay kaya ini-report siya sa pulisya.

May isang pagkakataon pa na hinukay ni Levan ang labi ng kanyang asawa at inuwi sa tahanan nila. At dahil sa nabubulok na ang bangkay ng kanyang asawa ay binalutan niya ito ng clay para maghubog tao at makatulog sa tabi nito.

Masdan niyo po mga kaibigan ang ang litrato ni Le Van at ang labi ng kanyang asawa:


No comments:

Post a Comment